Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 31



Kabanata 31

Isang maganda at balingkinitang babae na mula sa upper-class ang nagpatawag sa kanya.

Pagkatapos niyang makasalamuha ang babae ng ilang beses, alam ni Maseline na siya si Eloise

Patton, na kilala rin bilang Mrs. Montgomery. Kabilang siya sa isa sa apat na pinaka mayaman at

maimpluwensiyang pamilya sa Glendale.

Sa di malamang dahilan, nakakaramdam ng koneksyon si Madeline kay Eloise sa tuwing mag-uusap

sila.

Maraming pagmamay-ari ang mga Montgomery, at si Eloise ang namamahala sa mga alahas. Natuwa

siya sa unang draft na ipinasa ni Madeline.

Dahil sa ilang mga espesyal na dahilan, inimbitahan ni Eloise si Madeline sa bahay niya noong araw

ng pagpapasa ni Madeline ng final draft niya.

Nang makarating siya sa bahay ni Eloise, nalaman niya na ngayon ang ika-24 na kaarawan ng anak

nila Eloise at Sean Montgomery, na si Brittany Montgomery.

Dahil dito, naalala ni Madeline na ngayon din ang ika-24 niyang kaarawan.

Hindi mapigilan ni Madeline na mainggit habang tinitignan niya ang mala-prinsesang si Brittany. noveldrama

Mula noong bata siya, hindi niya alam kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng isang ama at ina.

Noong magkaroon siya ng pagkakataon na maging isang ina, naisipan naman ng Diyos na bigyan siya

ng napakaikling buhay.

Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Madeline. Huminga siya ng malalim at ngumiti.

Ano man ang mangyari, kailangan niyang makakuha ng 300,000 dolyar para sa operasyon ng lolo

niya.

Lalapit na sana si Madeline kay Brittany para bumati nang makita niya bigla si Meredith.

Maganda ang kanyang suot at pati na rin ang kanyang makeup. Nakahawak siya sa braso ni Brittany

habang nagseselfie silang dalawa.

Matalik na magkaibigan sila Meredith at Brittany. Hindi ito inasahan ni Madeline.

Para makaiwas sa gulo, gusto sanang umalis ni Madeline, ngunit pinigilan siya ni Meredith.

"Maddie, ikaw nga! Akala ko namamalikmata ako." Mahinhin siyang binati ni Meredith. "Bakit ka

nandito?"

Tiningnan siya nang masama ni Madeline. "Wala kang pakialam dun."

"Bakit naman ako mawawalan ng pakialam? Kapatid kita at birthday ng best friend kong si Brit ngayon.

Mayaman ang lahat ng tao dito. Paano kung may gawin ka nanamang kalokohan gaya nung

nakaraan? Anong gagawin ko kapag nangyari yun?" Ang pabulong na sinabi ni Meredith. Makikita ang

kasamaan sa mga mata ni Meredith.

Natawa si Madeline. "Kapatid? Wala akong plastic na kapatid na nanlalandi ng asawa ng kapatid niya

na gaya mo."

"Ikaw…" Nainis si Meredith. Halatang tinamaan siya sa sinabi ni Madeline.

Sa sandaling iyon, lumapit sa kanila si Brittany. Nakasuot siya ng branded at mamahaling damit mula

ulo hanggang paa. Napakaganda niyang tingnan lalo na't katabi niya si Madeline na nakasuot lamang

ng lumang damit.

Tiningnan niyang maigi si Madeline at bigla siyang may napagtanto.

"Mer, siya ba yung walang hiya mong kapatid?"

Nagulat si Madeline nang marinig niya ang sinabi ni Brittany.

Halatang siniraan siya ni Meredith kay Brittany.

"Brit, ayos lang ang lahat. Kapatid ko naman siya. Hindi lang siguro talaga ako para kay Jeremy." ang

malungkot na sinabi ni Meredith. Pagkatapos ay tumingin siya kay Madeline. "Maddie, mabuti pa

umalis ka na. Huwag mo nang subukang magnakaw gaya nung nakaraan."

"Paanong naimbitahan sa birthday party ko ang kadiring taong 'to?" Puno ng sama ng loob ang mga

mata ni Brittany. "Alang-alang kay Mer, umalis ka na! Kung hindi ka aalis, ipapakaladkad kita palabas!"

Hinawakan ni Madeline ng mahigpit ang draft na ginawa niya at mahinahong ngumiti. "Ms.

Montgomery, yung nanay mo ang nag-imbita ng isang nakakadiring tao na gaya ko dito."

Nagkatinginan si Brittany at Meredith. Nagulat sila sa kanilang narinig.

Sa sandaling ito, agad na nilapitan ni Brittany si Eloise nang makita niya itong lumabas ng bahay.

Itinuro niya si Madeline at may ibinulong siya kay Eloise. Agad na napansin ni Madeline ang galit sa

mga mata ni Eloise habang tinitingnan siya nito.

Kinutuban agad si Madeline ng di maganda. Subalit, ngumiti pa rin siya at bumati, "Mrs. Montgomery,

nandito na ang mga draft na pinagawa mo."

"Please umalis ka na, Ms. Crawford." Ang mahinahong sinabi ni Eloise. "Hindi ko tatanggapin ang mga

draft na yan. Hindi ko na rin babawiin ang binayad ko sa'yo. Isipin mo na lang na bayad yun sa

nasayang na pagod mo. Please huwag ka nang lalapit sakin. Hindi ako papayag na mabahiran ng

isang maruming babae na gaya mo ang mga disenyo ng Montgomery Enterprise."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.